Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng Academe-based study kaugnay sa “War on Drugs” campaign ng Duterte government.
Ito’y matapos ilabas ng Ateneo School of Government nuong Biyernes ang resulta na isinagawa ng Drug Archive na isang data base na pinagsama-sama ng Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of the Philippines kung saan nasa mahigit 7,000 ang bilang ng mga nasawi sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac, bilang isang institusyon, kanilang tiniyak na umiiral ang rule of law at ginagalang ang karapatang pantao at kahalagahan ng buhay.
Batay sa datos ng Dug Archive study, nasa 5,021 deaths ang naitala sa loob ng 16 na buwan sa ilalim ng Duterte administration.
Karamihan sa mga nasawi ay mga mahihirap na lalaki na breadwinners ng pamilya nila.
Sa nasabing datos 2,475 deaths ang naitala sa Metro Manila, sumunod ang Central Luzon (Region 3), Calabarzon (Region 4A) at Central Visayas (Region 7).
Dagdag pa sa pag-aaral ng Drug Archive na ang Oplan Tokhang ay lumabag din sa karapatang pantao ng ilang mga drug suspeks.