Muling iginiit ng Philippine National Police na hindi nila e totolerate ang sino mang pulis na malalaman na sangkot sa illegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Corporation o POGO.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, anuman ang ranggo ng pulis na masasangkot sa POGO ay hindi palalampasin.
Kaya naman nananawagan ang pulisya sa mga indibidwal na may impormasyon sa posibleng involvement ng kapulisan sa ilegal na aktibidad, na makipagtulungan sa kanila.
Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo
av- Col. Jean Fajardo – PNP spokesperson
Una nang iniulat na nagbabala rin si PNP Chief Rommel Francisco Marbil hinggil dito.
Ito ay kasunod ng mga unreported na pagpatay ng mga dayuhan sa mga nabistong POGO Hub sa central luzon.
Pero pagtiyak naman ni Marbil ay wala naman silang nakikitang pulis na protektor ng POGO.