-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ni P/Col. Rogelio Raymundo Jr., Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office (PRO) 12 na matagal na ang batas na nagbabawal sa mga sibilyang na susuot ng uniform ng mga pulis at sundalo.

Ayon kay Col. Raymundo na dahil sa mga nangyari ay muli sila na nagpapaala sa publiko na bawal ito sa batas.

Ang naturang isyu ay muling napag-usapan dahil ang mga suspek sa sunod sunod na pamamaril sa mga pulitiko ay nakasuot ng uniform ng mga law enforcers.

May direktiba na ang pulisya na mag-inspection sa mga patahian at mga nagbebenta ng uniform ng mga law enforcers.

Mas palawakin pa ang information dessimination kaugnay nito.

Habang kanyang isinalaysay kung ano ang tamang pagsusuot mga mga pulis kanilang mga uniform kasali na ang badge at mga patches nito.