-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang pamunuan ng pambansang pulisya sa lahat ng mga gun holders na may umiiral na gun ban para sa nalalapit na ASEAN Summit.

Ito ay nagsimula na noong Nobyembre 1 at magtatapos sa Nobyembre 15, 2017.

Ayon kay PNP Firearms and Explosive Office (FEO) Police Chief Supt. Valeriano De Leon, saklaw ng gun nan ang National Capital Region (NCR), Region 3 o Central Luzon at Region 4A o Calabarzon.

Sinabi ni De Leon na alinsunod sa kautusan ni PNP chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa ay suspendido ang lahat ng Pertmit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa lahat ng mga gun holders sa mga nasabing rehiyon.

Ang mga otorisadong magdala lamang ng baril ay ang mga naka-duty na mga law enforcers gaya ng pulis, sundalo, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga law enforcement agencies.

Bahagi ito ng seguridad na ipinatutupad habang nalalapit na ang pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa na inaasang dadaluhan ng 21 heads of estate.

Ang mga mahuhuling indibidwal na lalabag sa gunban ay kakasuhan ng PNP.