Nagbabala ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyang ang pagkakakulong.
Ginawa ng heneral ang pahayag kasunod ng mga napaulat na mayroon daw mga indibidwal na nagpiprisinta ng mga pekeng vaccination cards sa mga checkpoints.
Binigyan diin ni Calos na ang ginagawa ng ating mga kababayan ay malinaw na paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.
Kaya naman, kapag mayrong falsification, tampering o paggamit ng vaccination card ay magmumulta ang mga ito ng P20,000 hanggang P50,000 na multa o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Una rito bases sa post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ng dalawang larawan ng nakumpiskang vaccination cards na iprinisinta ng dalawang katao sa border checkpoints.
Naghinala na raw kaagad ang mga otoridad sa naturang vaccine card dahil ay gap sa una at ikalawang dose ay 10 araw lamang.
Sa ngayon kasi ay madali na lamang malaman ng PNP kung peke ang naturang mga vaccine cards dahil mayroon silang acces sa electronic verification system para i-check kung ang mga indibidwal ay bakunado na o hindi sa pamamagitan ng database ng respective local government units (LGUs) Department of Health (DOH).