-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina ang nagpapanggap na pulis para makahingi ng pera kapalit ang proteksyon.

Sinabi ni IAS inspector Gen. Brigido Dulay, nakatanggap sila ng mga ulat na may nagpapanggap na kabaro nila para magbigay umano ng proteksyon sa mga negosyante na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Nagpapakilala umano ang mga ito na nakatalaga sa kanilang opisina subalit ng kanilang berepikahin ay peke pala.

Nakipag-ugnayan na sila mga local police para agad na maaresto ang nasabing mga suspek.