Sasampahan ng Philippine National Police ng patong-patong na kaso ang sinumang pulis na mapapatunayang nagbibigay ng serbisyo at g proteksyon sa mga ilegal Philippine Offshore Gaming Operator na nag-ooperate dito sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil sa harap ng mga kawani ng media ngayong araw.
Ayon kay Gen. Marbil, ang pulis at dapat lamang na tumalima at sumunod sa batas.
Dapat rin aniya nitong panatilihin ang pagkakaroon ng integridad pagdating sa mga isyu na kinasasangkutan ng mga POGO sa bansa.
Kaugnay nito ay patuloy ang ginagawang kampanya ng Philippine National Police para masawata ang mga illegal na operasyon ng POGO .
Dahil dito ay naipasara na rin nito ang ilang POGO sa pamamagitan ng pagsisikap ng Criminal Investigation and Detection Group at PNP-Anti Cybercrime Group .
Siniguro naman ng opisyal na papanatiliin nila ang kaayusan, kapayapaan at seguridad sa buong bansa.