Nagbabala ang PNP sa publiko tungkol sa isang pekeng social media account na ginagamit ang pangalan ng kanilang hepe na si Gen. Debold Sinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na sangkot ang naturang account sa swindling o panloloko.
Ayon naman kay Sinas, wala raw itong personal webpage o social network account maliban sa official website at Facebook page ng PNP, na tanging otorisadong social network platform ng hepe ng pulisya.
Inatasan na rin ang PNP Anti-Cybercrime Group na imbestigahan at ihanda ang ligal na hakbang na gagawin laban sa mga nasa likod ng pekeng account.
Inilahad ni PNP-ACG chief Brig. Gen. Marvin Manuel Pepino, ang mga may hawak ng fake account ay ginagamit ang Facebook Messenger app para makipag-chat sa mga walang kamuwang-muwang na biktima na humihingi ng pabor.
Bilang kapalit ay nanghihingi raw ng bayad ang may-ari ng account.
“According to Pepino, the bogus account had an earliest public posting on November 25, 2020 and latest public posting on December 12, 2020,” anang PNP.
“The account has only 3 public photos posted including the standard photo of the CPNP for command activities and the donning of ranks in the Malacañang Palace with President Rodrigo Roa Duterte,” dagdag nito.
Maaari umanong makasuhan ang may-ari ng fake account ng paglabag sa Republic Act 10175 at Article 315 ng Revised Penal Code.
“The PNP-ACG is now in the process of securing a Court Order for Warrant to Disclose Computer Data (WDCD) for Facebook, Telecommunication Companies (TelCos) and Internet Service Providers (ISPs) based on complaint affidavits of victims/complainants or their legal representatives,” saad ng PNP.
“Pepino said the creator and owner of the fake account may be held liable for Computer-Related Identity Theft under RA 10175 wherein the complaining victim is the Chief PNP; and for violation of Article 315 of the Revised Penal Code for Swindling/Estafa upon the complaint of victims,” dagdag nito.