Nagbanta ang Philippine National Police na aarestuhin ang mga raliyistang magsusunog ng effigy sa araw ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, malinaw na paglabag sa Section 13 ng Batas Pambansa (BP) 880. ang pagsusunog ng anumang bagay sa lansangan o public place.
- Higit 6k na pulis, pinarusahan matapos mapatunayang guilty sa iba’t ibang paglabag
- Pagtugon sa inflation, pangunahing nais marinig ng mga Pilipino sa ikatlong SONA ni PBBM
- P20M budget para sa ikatlong SONA ni PBBM, binatikos ng ilang grupo
Paliwanag ni Col. Fajardo, layon ng hakbang na ito na maprotektahan ang mamamayan at mailayo sila sa panganib partikular na ang mga motorista.
Ang ganitong aktibidad aniya ay nagiging sanhi rin ng polusyon sa kapaligiran na isang seryosong banta.
Nilinaw rin nito na hindi ito pagpipigil sa kalayaang makapagpahayag o magsagawa ng kilos protesta basta dapat ay nasusunod pa rin ang mga limitasyon ng freedom of expression.