ILOILO CITY – Nagdagdag ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa apat na mga bayan sa Northern Iloilo dahil sa presensya ng mga Private Armed groups (PAGS).
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang bayan ng Lemery, Sara, Estancia at Carles.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Col. Marlon Tayaba, Director ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na sa nasabing mga bayan naitala ang mga insidente ng harrasment sa mga botante.
Laganap aniya ang mga private armed groups para pagbantaan ang mga botante para makuha ang suporta ng mga ito sa siniserbisyuhan nilang kandidato.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga pulisya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapanatili ang maayos na halalan.
Nananawagn rin si Tayaba sa mga kandidato at suporters na manatiling kalmado at iwasan ang anumang karahasan.