Naghahanda na ngayon ang pambansang pulisya para sa kanilang kampanya laban sa New Peoples Army (NPA).
Ito’y matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na tapusin ang rebeldeng NPA.
Sinabi ni PNP chief na instruction ng pangulo sa kaniya na tutukan nila ang laban kontra NPA kapag natapos na ang giyera sa Marawi City.
Una ng ibinunyag ni Dela Rosa na ang may mataas na bilang ng mga NPA na nag-ooperate sa bansa ay nasa Agusan, Davao at Surigao sa Mindanao at Visayas ay ang Negros, Iloilo at Samar.
Sa kabiland dako naipamahagi na rin ng PNP ang nasa 2,900 na mga armas mula China sa ibat ibang Police Regional Offices sa lalo na sa mga lugar na kilalang NPA infested areas.
Magiging katuwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang PNP sa kampanya para pulbusin ang rebeldeng NPA.