-- Advertisements --

Inihahanda na ng PNP ang retirement honors para kay PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa na nakatakdang magretiro ngayong Sept. 2.


Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, kasabay nito ang posibleng Change of Command Ceremony na depende sa availability ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Isasagawa ang seremonya sa multi-purpose hall sa Camp Crame, kung saan striktong oobserbahan ang quarantine protocols.

Ayon kay Banac, ang lahat ng mga inanyayahang opisyal ay makikilahok sa seremonya sa pamamagitan ng video conferencing.

Kasalukuyan aniyang inaantabayanan ng PNP ang instructions ng Pangulo.

Una naring lumutang ang possibilidad na ma-extend si Gamboa dahil sa umiiral na krisis pangkalusugan dulot ng Covid 19 pandemic.

Pero wala pang anunsiyo ang Malakanyang kung sino ang papalit sa pwesto ni Gamboa at kung ma extend ito sa serbisyo.

Nagsimula na rin magpaalam si Gamboa sa mga police personnel.