Naghain ng criminal case ang Philippine National Police (PNP) laban sa daalwang suspeks sa panghahalay at pagpatay sa 22-anyos na si Jovelyn Galleno kung saan natagpuan ang mga kalansay nito mahigit dalawang linggo ang nakalilipas mula ng mapaulat na nawawala noong nakalipas na buwan.
Ayon kay Police Brig. Gen. Sidney Sultan Hernia, kasong rape with homicide ang inihain laban sa mga suspek sa Puerto Princesa City Prosecutor’s Office.
Una na ngang umamin ang mga suspek na pinsan ng biktima na gumahasa at pumatay kay Jovelyn.
Isa sa mga suspek ang nagturo ng lokasyon ng mga skeletal remains ni Jovelyn na nagbigay daan sa mabilis na paglutas sa kaso.
Kinumpirma din kamakailan ng Puerto Princesa police na 99.9% na tugma ang skeletal remains ni Jovelyn sa samples mula sa kaniyang ina basi na rin sa resulta ng DNA examination.
Sa kabila nito, humingi na rin ng tulong ang magulang ni Jovelyn mula sa National Bureau of Investigation para sa karagdagang imbestigasyon sa kaso.
Ayon naman kay Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, chief of the PNP-Public Information Office, welcome naman para sa PNP ang parallel investigation dahil kapwa pareho naman ang hangarin nila na makamit ang hustisya.
Hindi din aniya sila makikialam sa desisyon ng pamilya subalit tiniyak naman ng PNP na determinado sila na maresolba ang naturang kaso.