-- Advertisements --

Paiigtingin pa lalo ang higpit ng seguridad sa mga security operations ng Philippine National Police (PNP) para sa darating na Pasko at Bagong Taon pati na rin ang mga maaari pang ikasang rally na may kaugnayan sa impeachment cases kontra kay Vice President Sara Duterte.

Sa inilabas na pahayag ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil, ang paghihigpit ng seguridad ay para umano sa kaligtasan ng publiko at para maiwasan ang mga hindi inaasahang krimen sa lansangan.

Dagdag pa ng hepe sa kaniyang pahayag, ito rin ay para sa mga planong rallies ng ilang mga grupo sa nagpapatuloy na usapin sa impeachment cases kontra VP Sara.

Samantala, kabilang naman sa mga gagawing operasyon ng pamunuan ng PNP ay ang pagdadagdag ng mga nakatalaga sa on-ground security, paghihigpit sa operations against cybercrime, at ilang mga emergency operations.