Nakatakdang magkaroon ng balasahan sa hanay ng mga high ranking officials sa Philippine National Police simula sa susunod na buwan.
Kinumpirma ito ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga kawani ng media.
Ayon sa General, ito ay dahil sa magkakasunod na pagreretiro ng mga mataas na opisyal ng kanilang organisasyon.
Nilinaw rin ni Gen. Marbil na hindi dahil sa mga pangangailangang mapunan ang pwesto ang dahilan ng re-assignment.
Samantala, kabilang sa mabibigyan ng bagong tungkulin ay si PMGen. Leo Francisco na itatalaga sa Civil Security Group (CSG) mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na para sa mga nasa 2-star rank.
Kasama rin dito si Deputy Chief PNP for Administration at nakatakda namang magretiro si PLtG. Jon Arnaldo bilang The Chief of the Directorial Staff.