Siniguro ng Philippine National Police ang kanilang matatag na presensya sa paligid ng bulkang Kanlaon matapos itong pumutok kamakailan .
Ayon sa Pambansang Pulisya, aabot sa mahigit 400 ng mga tauhan nito ang kasalukuyang nagbabantay sa 6 kilometer radius extended danger zone ng bulkang Kanlaon dahil sa patuloy nitong pag-aalburuto.
Mahigpit rin nitong ipinapatupad ang ‘No Human Activity’ policy sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Ang hakbang na ito ng pulisya ay mula ng ipatupad ang force evacuation doon dahil sa aktibidad ng bulkan.
Sa ngayon ay wala namang naitalang anumang untoward incident ang pulisya sa kabuuan ng pagbabantay nito.
Hinikayat naman ng pulisya ang mga residente na sumunod sa mga otoridad at lumikas na kaagad.