Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na nakipag ugnayan na sila sa International Police (Interpol) kaugnay sa isang suspek sa Castillo case na nakalabas nang bansa isang araw matapos ang nangyaring hazing.
Una nang inihayag ng MPD na batay sa datos ng Bureau of Immigration (BI) nakalabas ng bansa ang isa sa 16 na suspek sa Castillo hazing case na nakilalang si Ralf Trangia na nagtungo sa Taiwan.
Ayon kay PNP Chief P/D/Gen. Ronald Dela Rosa batay sa report na ibinigay ng MPD na Sept. 19 lumabas ng bansa si Trangia.
Hiniling na rin ng PNP na ipa cancel ang passport nito ng sa gayon mailagay ito sa undocumented alienito at arestuhin ng mga otoridad sa Taiwan ibalik sa bansa.
Sa kabilang dako, patuloy din ang ginagawang pursuit operation ng PNP laban sa 15 pang ibang mga suspek na at large sa ngayon.
Sinabi ni Dela Rosa na kanila ng nilo locate ang kinaroroonan ng mga suspek.
Nanawagan naman si PNP chief sa mga suspek na sumuko na lamang at harapin ang kanilang kinakaharap na kaso.
Naniniwala naman si Dela Rosa malabong manlaban ang mga suspek dahil mga law student ang mga ito, mga propesyunal.
Sa kabilang dako, nire-review na rin ng MPD investigators ang mga CCTV na kuha sa Chinese General Hospital.
Aniya,nirerebyu na rin ang nasa 348 CCTV camera meron ang UST at nirerebyu na ito ngayon ng mga imbestigador.
Tiniyak naman ni Dela Rosa sa pamilya Castillo na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Horacio Castillo III.