Nagpadala ng kabuuang 182 police atheletes ang PNP para makibahagi sa 2019 World Police Fire Games (WPFG) sa Chengdu, China ngayong Agosto 8 hanggang 19.
Sinabi ni Brig. General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, na kasama nila ang may 70 mga kapulisan mula sa iba’t-ibang bansa.
Sasabak ang mga atletang pulis sa 19 sporting events gaya ng badminton, basketbal, boxing, volleball, track and field, tennis, table tennis, karatedo, shooting, pocket billiards, decathlon, triathlon, cycling, judo, golf, swimming at taekwondo.
Pangungunahan naman ni Lt.Gen. Archie Francisco Gamboa, ang PNP deputy chief for operations, bilang head of delegations.
Isinasagawa ang nasabing torneo kada dalawang taon para sa lahat ng mga aktibo at retiradong police at bumbero sa buong mundo.