Nagpadala ng relief goods ang Philippine National Police (PNP) sakay sa anim na trucks mula sa Camp Crame patungo sa Cagayan Valley.
Pinangunahan ni PNP vhief Gen. Debold Sinas ang send off ceremony kanina na isinagawa sa harap ng National Headquarters, kasama sina sina Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Guillermo Eleazar, at Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Cesar Hawthorn Binag.
Dadaan muna ang mga truck sa Police Regional Office (PRO 3) para sabayan ang apat pang trucks ng mga relief goods na mag-co-convoy patungong Cagayan na personal na pangungunahan ni PRO 3 Director PBGen. Val Deleon.
Karga ng mga truck ang 202 sako ng bigas, 50 kahon ng noodles (72 pcs/box), 5 sako ng asukal (50 kgs/sack), 500 mineral water, condiments, walis, 300 face shields, 300 face masks, 200 kumot, pinaglumaang damit, raincoats, search and rescue vests at search lights.
Bukod dito, sinabi ni Police Community Affairs and Development Group, Acting Director Police Colonel Eric Noble na karagdagang 1,000 bag ng relief goods na naglalaman ng bigas, delata, noodles, at condiments ang idinonate ng kanyang unit.
Ang Soroptimist International ay nag-ambag naman ng 400 bags ng assorted relief items; habang ang Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT) at nagbigay din ng 300 bags ng assorted goods.