-- Advertisements --

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na magpapakalat sila ng kanilang “mobility assets” sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Binigyang diin din ng PNP Chief na sa kasalukuyan ay patuloy ang rescue operations ng mga kapulisan sa mga higit na apektadong lugar gaya ng Camarines Sur, Albay, at Naga.

Pagtitiyak ng pambansang pulisya, nakahanda sila at ang kanilang humanitarian assistance para sa paghagupit ng naturang bagyo.

Ani Marbil, prayoridad nila ang kaligtasan ng publiko at magpaabot ng tulong sa mga apektado partikular na ang mga Bicolano.