Nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police na walang kinalaman sa pulitika ang paglilipat nito sa mahigit 60 na tauhan mula sa Davao patungo naman sa ibat ibang regional offices sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, ang desisyon sa re-assignment ay dahil sa usapin ng double blotter.”
Dahil dito, natatagalan aniya ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo.
Ayon kay Farjardo, ang paglilipat sa mga Pulis mula sa Davao ay walang kinalaman sa isyu ni Vice President Sara Duterte o sa pamilya Duterte.
Nanawagan rin ito sa mga kritiko na huwag haluan ng usaping pulitika ang desisyon ng Philippine National Police.
Samantala, karamihan sa mga ito ay inilipat sa Cagayan Valley, MIMAROPA, at Cordillera Region.