-- Advertisements --

Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na nagsaggawa na sila ng imbestigasyon kaugnay sa mga spam text messages kung saan nakasaad ang pangalan ng mga targeted recipients.

Inihayag ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director of the PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), lumabas sa mga unang resulta ng imbestigasyon na ang mga numero ng mga nagpadala ay hindi naka-link sa anumang mga social media account, messaging app at digital wallet.

Sinabi ni Doria na ang data ay maaaring naibenta at binili nang maramihan sa dark web kung saan ang mga hacker ay gumagamit ng espesyal na software upang bumili at magbenta ng impormasyon.

Pinipigilan ng espesyal na software na gawing anonymous at hindi masubaybayan ang mga dark web user.

Pangalawa, ang impormasyon ay maaaring nakuha sa pamamagitan ng mga social media platform, website, at mga direktoryo ng telepono sa internet.

At ang pangatlo, ayon kay Doria, ay iyong mga raffle ticket at iba pang standard application forms na pupunan ng mga customer at ibang tao sa mga palengke at iba pang establisyimento.

Dagdag pa ni Doria na ang ACG ay patuloy na nakikipagtulungan sa National Privacy Commission (NPC) at iba’t ibang TELCO upang matugunan ang mga isyu sa spam text messaging.