-- Advertisements --
PNP chopper crash laguna

Magtutulungan ang PNP, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Phil. Air Force (PAF) sa pag-iimbestiga sa bumagsak na Bell 429 twin engine helicopter kung saan sakay dito si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa at pitong iba pang opisyal ng PNP.

Sinisilip na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang posibleng anggulo sa pagbagsak ng chopper kung ito ay human o pilot error, mechanical problem o environmental.

Pinangunahan ni PNP deputy for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Special Investigation Task Group (SITG) ang inspection kaninang umaga sa crash site kasama ang ilang eksperto mula sa Air Force safety office and CAAP.

Paliwanag ni Eleazar, layon ng imbestigasyon para rebyuhin ang police guidelines sa paggamit ng kanilang mga air assets.

archie gamboa PNP chief hospital

Aniya, makakatulong ito para mapag-ibayo pa at maiwasan ang mga kahalintulad na insidente ng chopper crash.

Liban dito, nagsagawa na rin ng initial investigation ang CIDG hinggil sa insidente.

Nilinaw naman ni Eleazar ang Bell 429 ay walang black box.

Samantala, iniipon na ng probe team ang lahat ng mga existing pieces of evidence gaya ng mga witnesess, first responders at mga pasahero para imbestigahan ang aksidente.

Sa ngayon suspendido muna ang paglipad ng pitong air assets ng PNP habang ongoing ang imbestigasyon at bahagi ng kanilang SOP.

Wala namang itinakdang time table ang PNP sa imbestigasyon pero target nila itong matapos sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Gen. Eleazar ito ang kauna-unahan na magsasagawa ng chopper and aircraft investigation ang PNP.

PNP chopper crash gamboa eleazar