-- Advertisements --

Lubos ang naging pasasalamat ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda nito sa Republic Act no. 12177 na siyang nagbibigay ng libreng legal assistance sa lahat ng military at uniformed personnel na mahaharap o nahaharap sa mga kaso dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Ang batas na ito ay bahagi ng Common Legislative Agenda ay itinuturing ng PNp bilang malaking tulong para sa araw-araw na sakripisyo ng kanilang hanay para sa pagppanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga komunidad.

Sa ilalim ng batas na ito ay sasagutin na ng gobyerno ang lhat ng gagastusin sa pagkuha ng mga legal assistance na kakailnganin ng mga kapulisang nasasangkot sa mga kasong may kaugnayan sa pagtupad at pagsunod lamang sa kanilang mandato.

Ayon sa mga pahayagt ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, hindi lamang ito basta isang batas ngunit isang moral na nagpapakita ng paninindigan ng pamahalaan para proteksyunan ang mga public servant ng bansa.

Samantala, itinuturing din ni Marbil na isa itong malaking panalo para sa kanilang hanay lalo na sa mga tapat na naglilingkod sa publiko at sa bayan.