-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpatupad na ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ng mas mahigpit na seguridad sa quarantine control points sa lalawigan ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay IPPO Director Police Col. Gilbert Gorero, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay kaugnay sa pagpapalabas ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., ng executive order sa restrictions ng inbound travel sa mga hindi residente ng lalawigan.
Ito ay magtaTagal hanggang Hulyo 31 habang nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang Iloilo.
Nararapat anya na magpakita ng valid ID ang mga papasok sa border control lalo na ang mga naggaling mula sa ibang lalawigan sa Western Visayas