-- Advertisements --

Nagpatupad ng malawakang balasahan ang pamunuan ng pambansang pulisya sa buong bansa.

Sa inilabas na memorandum ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ito ay may petsang May 31, 2018 at epektibo nitong June 1 ang pagbalasa.

Itinalaga ni Albayalde si C/Supt. Guillermo Eleazar bilang bagong regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kapalit ni Director Camilo Cascolan.

Si Cascolan naman ay itinalagang bagong director ng Civil Security Group (CSG).

Itinalaga naman bilang bagong regional police director ng Region 6 si PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao kapalit ni C/Supt. Cesar Binag na itinalaga bilang bagong hepe ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM).

Si C/Supt. Edward Esperat Caranza ay itinalaga bilang director ng Calabarzon habang si C/Supt. Rolando Nana ang OIC ng PRO Cordillera.

Itinalaga naman bilang Manila Police District director si C/Supt. Rolando Anduyan habang si C/Supt. Joel Coronel ay itinalaga bilang deputy regional director for administration ng NCRPO.

Sa memorandum na inilabas ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) apat na regional police directors ang apektado sa balasahan ito ay ang PRO4-A Calabarzaon, PRO-6, 7 at 8.

Samantala, relieved na rin sa pwesto si PNP HPG director C/Supt. Arnel Escobal na itinalaga bilang AR CDS, NCRPO, habang bagong HPG director ay si C/Supt. Roberto Fajardo.