Nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police sa tatlong heneral sa kanilang organisasyon.
Ito ay alinsunod na rin sa naging direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil.
Ayon sa PNP, ngayong araw ay epektibo na ang pag-upo ni PBGen. Anthony Aberin bilang bagong direktor ng National Capital Region Police Office.
Si Aberin ang pumalit kay PMGen. Sidney Hernia na tatayong pinuno ng Area Police Command – Southern Luzon.
Nagsilbi si Aberin bilang Regional Director ng Police Regional Office 7 sa Cebu bago ito naitalaga sa NCRPO.
Samantala, ni re-assign rin si PMGen. Ronnie Francis Cariaga sa Area Police Command – Northern Luzon na dati ay nasa PNP Anti-Cybercrime Group.
Kung maalala, pinatawan ng PNP ng Administrative Relief sina Hernia at Cariaga matapos ang ikinasang operasyon sa isang scam lungsod sa Maynila dahil sa reklamong iregularidad.
Babalik naman bilang pinuno ng Police Regional Office 12 si PBGen. Arnold Ardiente mula sa PNP Academy.