Inaprubahan na ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang panibagong rigodon sa kanilang hanay sa ilang mga matataas na pwesto sa PNP.
Ayon kay PNP spokesperson S/Supt. Benigno Durana, ang mga bagong appointments ay bahagi ng pagsusumikap ng PNP na ilagay ang mga karapat-dapat na tao sa bawat posisyon.
Kabilang sa mga opisyal na itinalaga sa kanilang bagong pwesto epektibo ngayong araw ay sina Chief Supt Gilberto DC Cruz, na itinalaga bilang bagong regional director ng PRO-13, Chief Supt Noli Romana na manunungkulan bilang deputy ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) ng Eastern Mindanao.
Bukas ng Martes magiging epektibo ang appointments nina Chief Supt. Emmanuel Luis Licup bilang regional director ng PRO-9, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. bilang regional director ng PRO-4B at Senior. Supt. Eliseo DC Cruz bilang District Director ng Southern Police District.
Ang mga appointments ng naturang opisyal ay base sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board.