Naghain ang mga lokal na awtoridad sa Taguig City Prosecutor’s Office ng mga kasong kriminal laban sa mga indibidwal na umano’y nagbibigay ng protection services sa isang negosyanteng Filipino-Chinese sa Bonifacio Global City (BGC).
Inihain ang naturang reklamo noong Hunyo 11 laban sa 2 di pinangalanang protection agents at sa license ng protective and detective agency.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Civil Security Group, nag-ugat ang criminal complaint sa ikinasang operasyon ng kapulisan na nagresulta sa pag-inspeksiyon at pagkadakip ng nasabing mga ahente na ilegal na nago-operate sa lugar.
Ang naturang operasyon ay parte ng nagpapatuloy na pagsisikap ng pambansang pulisya na pagbuwag sa illegal protection activities na paglabag sa Republic Act No. 11917 o Private Security Services Industry Act.