Naghain na ang Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng reklamo laban sa tatlong pulis na umano’y sangkot sa hazing o pambubugbog sa kapwa pulis.
Ayon kay IMEG Director, PBGen. Warren De Leon, mahaharap ang tatlo sa Anti-hazing Law.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya ng Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng Police Regional Office 2 ang tatlong pulis.
Ayon Gen De Leon, gumugulong na rin ang pre-charge investigation para sa hiwalay na kasong administratibo na kahaharapin ng mga nasabing pulis
Kung mapapatunayang nagkasala ang mga ito, maari naman aniyang makulong sila ng hanggang 30 yers at multa na tig-2 million bawat isa.
Samantala, isinampa ng pulisya ang kaso laban sa mga ito sa Isabela Provincial Prosecutors Office