Sinimulan na ng Philippine National Police ang kanilang mga preparasyon para sa nalalapit na 2025 midterm election.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, pinalalakas nila ang mga operasyon laban sa mga private armed groups at loose firearms.
Aniya, nananatiling committed ang pulisya sa protektahan ang demokratikong proseso ang upang masiguro ang ligtas na paligid sa halalan.
Sinabi rin ng opisyal na binalangkas ng PNP ang mga planong puntiryahin ang private armed groups , loose firearms at maging ang mga sindikato ng iligal na droga, sa pamamagitan ng comprehensive intelligence operations, community cooperation at mahigpit na pagpapatupad ng batas.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na makikipagtulungan ito sa mga local government units at iba pang law enforcement agencies sa kampanya laban sa private armed groups, loose firearms at drug syndicates.
Binanggit nito ang mga nakaraang ulat na ang mga sindikato ng droga ay nag-bankroll sa mga kandidatura ng ilang kandidato para palakasin ang kanilang kuta sa mga lugar kung saan tumatakbo ang mga kandidato.
Sinabi ng puwersa ng pulisya na magtatakda ito ng mga checkpoint, at maglalagay ng karagdagang mga pulis upang matukoy ang mga lugar na pinagkakaabalahan ng halalan.