-- Advertisements --

Nagtalaga ng 40,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) ngayong pasko para sa holiday rush traffic na nararanasan ngayon sa buong bansa.

Paliwanag ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ito ay karagdagang tauhan lamang para sa christmas exodus.

Dagdag pa niya, ang mga ito ay mga itatalaga bilang karagdagang tulong sa mga pantalan, terminal, paliparan, mga simbahan at iba pang places of worships para masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong pasko.

Sa ngayon, wala pa naman aniya naitatalang mga untoward incidents simula nang magumpisa ang dagsa ngayong holiday season.

Maaari namang humingi ng tulong ang mga makakaranas ng mga concerns sa mga help desk na ipinakalat ng kanilang ahensya sa iba’t ibang mga terminal at bahagi ng bansa.

Samantala, katuwang din ng Pambansang Kapulisan ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa karagdagang augmentation.