Ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng mga digital activity para tukuyin ang kinaroroonan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na gumagawa na ng hakbang ang kanilang Anti-Cybercrime Group para malaman ang kinaroroonan ni Roque.
Isa sa mga kaparaanan nito ay ang pagtukoy ng IP address ni Roque subalit hindi ito basta magawa dahil kailangan pa ng request sa mga telcos.
Malaki rin ang paniniwala nito na nasa Pilipinas pa rin si Roque.
Magugunitang naglabas ng arrest order ang House of Representatives laban kay Roque dahil sa hindi nito pagdalo at pagsumite ng mga dokumento sa isinasagawa nilang public hearing na may kinalaman sa online gaming scam operations.
Tinungo ng mga kapulisan ang mga bahay ni Roque subalit bigo silang makita ito.