-- Advertisements --

Naka-alerto na rin sa ngayon ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy sa sandaling mag landfall na ito.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, nakalatag na rin ang kanilang contingency measure partikular sa Bagyong Tisoy na posibleng maapektuhan ang mga naka iskedyul na mga laro sa 30th SEA Games.

Sinabi ni Banac may mga police personnel na rin ang naka standby para mag assist sa local Dissaster Risk Reduction Management Council sakaling magpatupad ng preventive evacuation kung kinakailangan.