Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda sila sa anumang banta sa seguridad, lalo na ngayon ay terminated na ang peace talks sa national level sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, mahigpit ang directiba ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde sa mga regional police commanders lalo na sa mga lugar na may mga presensiya ng komunistang grupo na nag-ooperate na palakasin ang kanilang seguridad lalo na sa kanilang mga municipal police stations.
Siniguro naman ni Banac na magpapatuloy ang kanilang misyon sa pagpapatupad ng batas at manatiling naka alerto laban sa banta ng NPA, ASG at iba pang mga threat groups.
Dagdag pa ni Banac, suportado din nila ang hakbang ng pamahalaan para isulonga ang
localized peacetalks.
Katuwang ng AFP ang PNP sa pagsusulong sa usaping pangkapayaan sa lokal na level.
Sa datos ng AFP nasa 11,000 na mga rebeldeng NPA ang sumuko sa pamahalaan at ngayon ay binigyan na ng tulong pinansiyal para makapagsimula ng panibagong buhay.
Hinimok din ng PNP ang mga gusto pang sumuko na NPA members na magbalik loob na sa gobyerno.