-- Advertisements --

Nakaalerto na ngayon ang Philippine National Police (PNP) dahil sa bagyong Ulysses.

Dahil dito ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Debold Sinas na i-preposition na ang mga Disaster Response Personnel ng PNP partikular sa Bicol region at Southern Tagalog.

Pinasisiguro ni Sinas na may mga kasamang mga rescue equipment sa mga lugar na malimit magkaroon ng baha.

Kung kinakailangan ay magsagawa ng mga preemptive evacuations sa pakikipagtulungan sa kanilang LGUs.

Inaasahan ni Sinas na lahat ng mga tauhan ng pulisya sa Bicol region at buong Southern Luzon ay nakaalerto na sa paparating na bagyong Ulysses.

Ito ay dahil sa banta ng matinding ulan, pagbaha, landslide at daluyong o storm surge.

Responsibilidad din umano ng mga local police units ang magbigay seguridad sa mga evacuation centers na itinayo ng mga LGU’s.

Sa kabilang dako, pinulong naman ni NCRPO chief B/Gen. Vicente Danao ang kaniyang mga tauhan kanina para pag-usapan ang gagawing paghahanda para sa bagyong Ulysses.

Sinabi ni Danao, pinaghahanda na niya ang kanilang disaster response units para rumisponde kapag kinakailangan.