-- Advertisements --

gabi

Inatasan ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang lahat ng police unit commanders na manatiling nakaalerto sa kabila ng mapayapang Simbang Gabi.


Ayon kay Sinas, kailangan maging handa ang mga pulis na rumesponde sa anumang sitwasyon ngayong Holiday Season.

Sa panayam kay PNP Spokesperson BGen. Ildebrandi Usana sinabi nito na
mismong ang pamunuan ng mga simbahan at mga LGU’s ang nagpatupad sa mga Health Protocols.


Ito ay ang pagsusuot ng Face Mask at Face Shield , Physical distancing at 30 porsyento lang ng mga Churchgoers ang pinayagan sa loob ng simbahan.

usana2

Ayon kay Usana, noong Linggo ay nauna nang nakipagpulong si Gen Sinas sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo at Baclaran at napag-usapan ang Kooperasyon ng Simbahan at ng PNP para sa seguridad ng mga dadalo sa Simbang Gabi.

Lahat ng mga Unit Commanders ay inatasan na maging Vigilant ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Usana may mga pulis ang naka deploy sa mga simbahan at 24 oras ang mga ito na nagbibigay seguridad para matiyak na walang mga intoward inicident na mangyari.

Dahil dito, patuloy na mag-iikot ang mga social distancing patrollers para ipatupad ang minimum health protocol sa mga magsisimba.

Patuloy din anya ang pakikipag- ugnayan ng lahat ng Police Commander mula sa Regional, Provincial at mga Chief of Police sa pamunuan ng mga Simbahan.

Umaasa ang PNP na hanggang matapos ang ika-9 na gabi ang tradisyunal na simbang gabi ay magiging maayos at mapayapa naman ito.