Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para matiyak na maging mapayapa ang pagdiriwang ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan.
Nanawagan naman si PNP Chief PGen. Oscar Albayalde ng mapayapang pagdaraos ng Eidl Fit’r.
Inihayag ni Albayalde na malaki ang respeto ng PNP sa mga Muslim.
Tiniyak din nito ang police visibility lalo na sa mga mosque at lugar kung saan magsasagawa ng prayer ang mga ito.
Hinimok naman ni Albayalde ang publiko na manatiling nakaalerto at mapagmatyag sa kapaligiran.
Agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may napapansin silang mga kahina-hinalang bagahe o indibidwal.
Ito’y kahit walang namo-monitor na banta sa seguridad ang PNP.
Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng pambansang pulisya kasunod ng pagdiriwang ng Eidl Fit’r.