-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila hahayaan na magkaroon ng looting sa mga lugar na apektado ng bagyong Quinta.

Ito ay sa kabila ng agam-agam ng ilang residente sa mga mababang lugar na takot lumikas kahit na delikado.

Ayon kay PNP chief police General Camilo Cascolan, mahigpit nilang ipatutupad ang sapilitang paglikas kung kinakailangan.

Ayaw kasi nilang magkaroon ng problema o may masawi pa dahil sa bagyo.

Paliwanag ni Cascolan, ililipat sa mga evacuation centers ang mga apektadong residente at dito bibigyan din ng mga pagkain.

Wala naman dapat aniyang ipangamba dahil regular na mag-iikot ang kanilang mga tauhan.

Dagdag pa ni Cascolan, mas mahalaga ang buhay kaysa sa bagay.