-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naka-full alert status sa ngayon ang mga otoridad sa buong lalawigan ng Sultan Kudarat matapos ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa isang unit ng Yellow Bus Line Incorporated alas-10:45 kahapon ng umaga na ikinasawi ng isa at ikinasugat naman ng labing-isa (11) kabilang ang dalawang sundalo.

Kinilala ang nasawi na si Gilbert Barbosa Panes, 56 anyos na residente ng Brgy. Balindog, Kidapawan City na kasalukuyang nasa Collado Funeral Homes sa lungsod ng Tacurong.

Narito naman ang pangalan ng mga sugatang biktima:

  1. Catayada, Emmanuel y Bravo, 22yo, single, res of Guihing, Davao Del Sur
  2. Erlinda Pama y Esteban, 47 yo, married, farmer ,res of Brgy Sibsib, Tulunan , Cotabato
  3. Bea Posia y Padios, 21 yo, single, Medical Technology and a res of Kisante Makilala, Cotabato
  4. Braulio Boston y Sosana, 39 yo, married, Pomelo Vendor and a res of Bagontapay, Mlang, Cotabato
  5. Delia Della y Francisco, 64 yo, senior citizen, Prk Bagong Silang, Madanding
    6.Esmael Daomilang y Tama, 55 yo and a res of Buluan, Maguindanao
  6. Rex Relebante y Eligue, 24 yo, single, self employed ,and a res Binoligan, Kidapawan City
  7. Nancy Nietes y Cabañog, 41 yo, married , housewife and a res of Dalapitan, Matalam, Cotabato
  8. Zeninze Nietes y Cabañog, minor and a res of Dalapitan Matalam Cotabato
    10.Zezkeel Dave Osorio y Saquian, 26 yo, single, member AFP, and a res of Antipas , Cotabato
  9. Jobert Rivera y Leuterio, 35 yo, married , AFP member and a res of Antipas, Cotabato

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Col. Joan Magano, chief of Police ng Tacurong PNP, mula sa Kidapawan City dumaan sa Mlang, Tulunan at Maguindanao area ang bus na may body number 2588 sakay ang 29 na pasahero papuntang lungsod ng Tacurong at papasok na sana sa Public Terminal ngunit pagdating sa Purok Duranta, Barangay Poblacion ay bigla na lamang sumabog.

Ayon kay Maganto sa hulihang bahagi ng bus sumabog ang IED kung saan nakaupo ang nasawing biktima.

Maliban sa unang sumabog may narekober pang isang IED ang EOD team.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagsabog at kung sino ang responsable sa paglalagay ng IED.

Wala naman umanong natanggap na threat o extortion letter ang pamunuan ng YBL bago ang pangyayari.