Isinailalim na ngayon sa “full alert status” ang buong Philippine National Police (PNP) sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang naturang alert status ay dati nang umiiral at hindi na magbabago ngayong Christmas season.
Mahalaga aniya na manataling mataas ang alerto ng PNP sa Metro Manila lalo pa’t inaasahan ang maraming pagtitipon o mga party.
Sinabi ni Albayalde na siya mismo ay naka-duty sa nasabing mga araw, kaya ganun din ang inaasahan niya sa kanyang mga tauhan.
Mag-iikot din aniya ito sa mga simbahan at iba pang places of convergence para masiguro na naka-alerto ang mga pulis, tulad ng kanyang naging gawain noong nasa NCRPO siya.
Sinabi ni Albayalde na maging sa oras ng Noche Buena, ay nasa loob siya ng Kampo Crame, at papupuntahin niya na lang ang kanyang pamilya doon para kanyang makasama.