-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police sa pagbibigay ng proteksyon sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil , layon nitong masiguro ang kanilang kaligtasan.

Paliwanag pa ni Marbil , sa ngayon ay marami pang biktima ni Quiboloy ang humingi ng tulong sa kanilang hanay.

Karamihan sa mga ito ay gustong magbahagi ng kanilang nalalaman laban sa kontrobersyal na pastor partikular na sa umanoy “systematic abuse.”

Tiniyak naman ni PNP chief Marbil na walang patid ang kanilang pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Maigi rin aniyang dumadaan sa masusing validation ang mga impormasyon ng mga natukoy na mga biktima.