-- Advertisements --

Inilagay ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang lahat ng regional office sa buong bansa.

May kaugnayan ito sa pagtaas ng tensiyon sa pagkaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PNP, na isang paghahanda para maiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan.

Magugunitang nagtipon-tipon ang mga supporters ni Duterte sa Villamor Airbase sa Pasay City matapos ang pagka-aresto sa dating pangulo.