-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naka-heightened alert status sa ngayon ang pulisya sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat matapos marekober ang dalawang Improvised Explosive Device (IED) sa gilid ng dike. Ito ang inihayag ni PMAJ Jenahmeel Tonacao ang hepe ng Lambayong Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Tonacao, isang indibidwal ang mangingisda sana sa bahagi ng Sitio Taga, Barangay Tinumigues, Lambayong Sultan Kudarat ngunit nakita nito ang isang bag na nakalabas pa ang wire.

Agad itong tumawag sa pulisya upang e-report ang nakita at ang siyasatin ng SOCO team ay nagpositibo nga ito sa bomba. Agad naman na pinasabog ang IED upang madetonate.

Sa ngayon, may grupo na umanong natukoy ang otoridad na responsable sa paglalagay ng bomba.

Pananakot sa mga residente naman ang nakikita ng mga otoridad na motibo ng mga ito.