-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-hightened alert na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pag-atake na naman ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Iloilo.

Ito ay kasunod ng nangyaring pambobomba ng mga rebelde sa patrol car ng Tubungan Municipal Police Station kung saan sugatan ang kanilang chief of police na si Lt. Jose Rommel Samson

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Police Provincial Office director Colonel Gilbert Gorero, sinabi nito na mahigpit ang kanilang pagmamatyag sa galaw ng mga rebelde.

Naniniwala naman si Gorero na ang pag-atake na nangyari sa kasapi ng Tubungan Municipal Police Station ay bahagi ng 52nd founding anniversary ng CPP sa Disyembre 26.