-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakataas ngayon ang alerto ng pulisya sa buong probinsiya ng North Cotabato matapos ang panibagong insidente ng pagsabog sa isang residential house.

Ayon kay Brig. Gen. Alexander Tagum, regional director ng Police Regional Office-12, inatasan nito ang North Cotabato Provincial Police Office at Pikit Municipal Police na magtulungan upang agad mahuli abg mga suspek na nagpasabog ng eksplosibo.

Mabuti na lamang at walang namatay o nasugatan sa pagsbaog ngunit nabutas naman ang bubong ng pamamahay ng pamilya ni Anquing Cadulong Masla sa Abad Street sa Barangay Poblacion at nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung isang fragmentation grenade o 40 millimeter explosive projectile ang pinasabog.

Hindi rin matukoy pa ng mga otoridad kung ano ang motibo ng pagpapasabog.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay naiulat din ang pagpapasabog ng granada sa police security outpost sa nabanggit rin na bayan.