-- Advertisements --

QCPD

Tiniyak ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na nakahanda silang arestuhin ang may-ari ng WellMed Dialysis Center dahil sa kinasasangkutan nitong kontrobersiya ang “ghost dialysis” claims.


Pero ayon kay QCPD Director, BGen. Joselito Esquivel, hanggang sa ngayon wala pa silang natatanggap na direktiba kaugnay sa pag-aresto sa may-ari ng WellMed na matatagpuan sa Quirino Avenue, Novaliches, Quezon City.

Tiniyak naman ni Esquivel na nakahanda rin sila umalalay sa NBI sakaling aarestuhin nila ang may-ari ng WellMed.

Una ng ipinag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte sa NBI na arestuhin ang may-ari ng WellMed Dialysis Center, na posibleng maharap sa kasong syndicated estafa.

Una ng itinanggi ng WellMed ang alegasyon ng dalawa sa kanilang dating empleyado na sina Edwin Roberto at Liezel Santos na humingi ng legal assistance kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Buwelta naman ng WellMed sa dalawa nitong dating empleyado na ang dalawa ang nagsabwatan para makiisa sa nasabing mapalinlang na scheme.

Aminado naman ang PhilHealth na may namonitor silang “fraudulent acts” na kinasasangkutan ng WellMed.

Sa findings ng ahensiya nasa 28 medical cases filed ay kinasasangkutan ng mga patay na pasyente habang 12 naman ang under investigation.

Inihayag naman ng Pangulo na hindi na kailangan pang mag resign ng mga opisyal ng PhilHealth dahil sa mga susunod na araw magpapatupad ito balasahan.