-- Advertisements --

Patuloy na nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) sa dagsa ng mga tao na magsisisuwian mula sa kani-kanilang mga probinsya simula bukas.

Ito umano ang direktiba sa kanila ayon yan kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.

Inaasahan aniya ng kanilang hanay ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga pangunahing daan at ang dagsa ng mga tao at motorista hanggang Martes, Nobyembre 5.

Samantala, nakaantabay naman aniya ang kapulisan, kung saan sisiguruhin nila ang seguridad ng ilang bus terminals, mga pantalan at ng paliparan sa bansa.