-- Advertisements --

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si dating first lady at kasalukuyang Ilocos Norte Representative Imelda Marcossa sandaling may hawak ng warrant of arrest ang PNP kasunod ng inilabas na desisyon ng Sandiganbayan.

Hinatulan ng anti-graft court si Imelda ng  guilty of seven counts of graft.

Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na nakahanda rin ang PNP Custodial Center sakaling dadalhin sa Kampo Crame ang dating unang ginang.

Sa ngayon wala pang natatanggap na arrest order ang PNP laban kay Imelda Marcos.

Sinabi ni Albayalde, na trabaho nila na isilbi ang warrant of arrest laban sa mga akusado.

Ayon pa kay PNP chief na malaki ang posibilidad na sa PNP Custodial Center ikukulong ang dating unang ginang kung saan nakakulong din si Senator Leila De Lima/