-- Advertisements --

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang daw ang makapagsasabi kung pahaharapin o hindi ang Philippine National Police (PNP) sakaling ipatawag ng International Criminal Court (ICC) .

Ito ay makaraang simulan na ng ICC ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, nakahanda naman aniya ang PNP na humarap sa anumang uri ng imbestigasyon.

Gayunman, sinabi ng kalihim na dahil sa chain of command ay nakadepende pa rin kay Pangulong Duterte kung hahayaan niya ang PNP na idepensa nito ang mga akusasyong ibinabato sa kanila.

Siniguro ni Ano na nakahanda ang PNP sa anumang imbestigasyon.

“The PNP is prepared for any investigation but this is a policy matter where only the President has the authority to decide whether to allow a non-local inquiry or not. Hence we shall abide the guidance of the President ,” pahayag pa ni Sec. Año